DRUG DEN SA STA. BARBARA, PANGASINAN, SINALAKAY; 9-KATAO, TIMBOG – IDOL JHON CARANTO

STA. BARBARA, PANGASINAN – Kalaboso ang siyam na katao matapos isigawa ng PDEA Pangasinan at Sta. Barbara Police ang entrapment operation sa isang drug den sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang mga suspek na sina Glenn Tamondong, Federico Siapno, Rene Soriano, Sammy Rolusta, Rex Dela Cruz, Gerick Perreras, Jerric De Vera, Jemalyn Bron at Cyra Aquino.

Sa naging operasyon, nagpanggap umano ang isang tropa ng PDEA na kunwaring bibili ng droga at ng matunugang positibo, agad ng sumalakay ang tropa ng PDEA at mga kapulisan sa bahay ng nagngangalang Glenn Tamondong sa Brgy. Patayak sa nasabing bayan.


Nakuha sa mga akusado ang tatlong sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitibang ng hanggang labindawang gramo na nagkakahalaga naman ng Php 81,600.00, apat na cellphones, iba’t ibang drug paraphernalias at perang ginagamit sa iligal na gawain.

Sa ngayon inihahanda ang kasong paglabag sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ipapataw sa mga suspek.

Facebook Comments