DRUG DEN SA TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN, NABUWAG

Cauayan City – Tagumpay na nabuwag ang isang drug den sa Tuguegarao City, Cagayan, matapos ang ginawang operasyon ng mga awtoridad noong ika-7 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Nagresulta ang tagumpay sa pagsasagawa ng Anti-Illegal Drug buy-bust Operation, pagkatukoy at pagkabuwag ng isang drug den na matatagpuan sa Brgy. Lintao Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Naaresto sa nabanggit na operasyon ang tagapangalaga ng Drug Den at ang tatlo pang drug suspects.


Nasamsam sa operasyon ang humigit kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P81,600.00 iba’t-ibang drug paraphernalias, at buy-bust money.

Nakatakda namang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na suspek.

Facebook Comments