Drug den sa Valenzuela City, sinalakay ng PDEA – dalawang drug suspect, arestado

Manila, Philippines – Bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Maria Nene Santos ng Valenzuela City RTC, sinalakay ng PDEA NCR ang isang bahay na ginagamit na drug den sa Sitio kabatuan , Barangay General T De Leon , Valenzuela City.

Arestado ang mga drug personality na sina Marla Brusola at isang alyas Kalbo.

Ayon kay PDEA NCR Regional Director Ismael Fajardo, Dalawang buwan na isinailalim sa surveillance ang lugar.


Ayon kay PDEA North Sector Team Leader Joshua Arquero , nasamsam sa loob ng bahay ni Marla ang labindalawang transparent plastic sachet na shabu na may timbang na 20 grams at may street value na 160,000 habang sa bahay ni alias Kalbo ay nakuha ang labintatlong small plastic sachet na shabu at apat na medium size na .20 grams na shabu.

Facebook Comments