Drug Den sinalakay ng PDEA 12, 5 arestado

Sinalakay pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office XII , SKPPO–PPSC, SWAT ang isang drug den resulta ng pagkakaaresto ng limang indibidwal sa isinagawang High Impact Operation sa pamamagitan ng search warrant sa Purok Yellow Bell, Brgy. New Isabela, Tacurong Sultan Kudarat.

Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Gil Cesario P. Castro ang mga naaresto na sina Rey Bayona alias Nonoy Marines na sinasabing nagmamay ari ng Drug Den , Jomar Camposo, Mary Rose Doroteo, Jenilyn Calagsan at Melly Dorado –Banca .

Nakumpiska sa mga ito ang 70 grams ng suspected methamphetamine hydrochloride o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Three Hundred Fifty Thousand Pesos (Php 350,000.00), various drug paraphernalia at thirty one (31) rounds caliber 380 live ammunitions.


Nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 6 (Maintenance of Drug Den) Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 , at violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) laban kay Rey Bayona, habang violation of Section 7 sa apat na iba pa .

PDEA 12

Facebook Comments