Muling isinagawa ng Manila Treatment and Rehabilitation Center (MTRC) ng Manila Health Department ang Drug Dependency Examination (DDE) sa loob mg Male Dormitory ng Manila City Jail.
Ito’y bilang pagtugon sa Plea Bargaining na ibinigay ng korte sa mga Person Deprive of Liberty o PDL.
Partikular ang mga nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 or “An Act Constituting the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Nabatid na ang mga hukom ng Regional Trial Court ay hinihikayat ang pamunuan ng Manila City Jail Male Dorm na isagawa ang DDE.
Hangad ng mga hukom na isalang muna sila sa nasabing examination bago resulbahin ang kanilang kaso na may kaugnayan sa illegal na droga.
Layunin ng aktibidad na ito na mapabilis ang paglaya at malaman ang naaangkop na programang pang rehabilitasyon sa mga PDL na nahaharap sa kasong illegal na droga kung saan isa-isa silang kinakausap at inaalam ang bawat impormasyon hinggil sa kanilang kalagayan.