Prayoridad ngayon ng bagong talagang BJMP chief na gawing drug free at corrupt-free ang mga jail facility sa bansa.
Ito ang pangako ni Jail Chief Superintendent Allan Iral matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay Jail Director Iral, titiyakin niya na kultura ng kahusayan at integridad ang iiral sa ahensya sa panahon ng kaniyang pamumuno.
Bago naitalagang BJMP, humawak muna ng iba’t ibang posisyon sa ahensya si Iral.
Kabilang sa mga hinawakan niyang puwesto sa BJMP Command Group ay Chief of Directorial Staff, Deputy Chief for Operations.
Bago siya naitalagang BJMP chief, siya ang Deputy Chief for Administration ng BJMP.
May 478 districts jail sa buong bansa na pinangangasiwaan ng BJMP kung saan nakadetine ang mga Persons Deprived of Liberty na nahaharap sa iba’t ibang kaso.