Manila, Philippines – Sumailalim sa surprise drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 119 na empleyado ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Customs Commissioner Isidro LapeƱa, hindi niya ikinagulat na nagnegatibo ang unang batch na sumailalim sa drug test kung saan patunay ito aniya na wala sa mga tauhan niya ang may kinalaman sa iligal na droga.
Sinabi pa ni LapeƱa na magpapatuloy ang mga surprise drug test upang mapanatiling drug free ang customs.
Isa rin aniya ito sa nakikita nilang paraan upang mapanatili ang kredibilidad nila sa publiko.
Facebook Comments