Drug-free policy ng Korte Suprema, mas pinaigting

Naglabas ng kautusan ang Korte Suprema na nakapaloob sa Implementing Guidelines of Judiciary’s Drug-Free Policy para masigurong drug-free ang buong hudikatura.

Nakasaad sa naturang panuntuan na obligadong sumalang sa drug testing ang mga aplikante pa lamang sa trabaho sa Judiciary.

Samantala, ang lahat ng court employees ay kailangan din sumailalim sa random mandatory drug test habang sila ay nasa panahon ng panunungkulan.


Ang empleyadong lilitaw na positibo sa drug testing ay mahaharap umano sa kasong administratibo, at posibleng suspension o tuluyang pagkatanggal sa trabaho, batay sa probisyon na itinakda sa Civil Service Law.

Facebook Comments