DRUG FREE | Southern Leyte, cleared na sa droga ayon sa PDEA

Southern Leyte – Idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Southern Leyte bilang kauna-unahang probinsya na nalinis sa impluwensiya ng illegal drugs.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nabigyan na ng certification ang Southern Leyte bilang drug-free matapos makatugon sa requirements, verification at validation processes ng Dangerous Drugs Board.

Alinsunod na rin sa mungkahi ng oversight committee on barangay drug clearing operations ng PDEA.


Sa ngayon ay mayroon pang 24,424 drug-affected barangays na kinakailangan palayain sa saklot ng illegal drugs pagsapit ng 2022.

Facebook Comments