Iminungkahi ng isang mambabatas na magtayo ng kulungan sa mga isla sa West Philippines Sea para doon ilipat ang mga drug lord sa Bilibid.
Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran, imbes na ikulong sa New Bilibid Prisons (NBP), dapat ipatapon sa West Philippines Sea ang mga convicted drug lord na namamayagpag pa rin ng negosyo sa loob ng preso.
Paliwanag niya, dahil may mga cellphone habang nakakulong at perang panuhol sa mga prison guard ay nagagawa pa rin ng mga drug lord ang kanilang ilegal na gawain.
Sa West Philippines Sea, walang cellphone signal.
Bibigyan ang mga ito ng construction materials kung saan sila mismo ang magtatayo ng sarili nilang kubol bilang bahagi ng reformation program.
Gusto rin ni Taduran na ang AFP ang magbantay sa mga preso sa isla.
Bagamat sang-ayon si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na ilipat sa isolated na lugar, hindi siya pabor na ilagay ito sa WPS.
Sa ngayon, wala pang eksaktong isla sa WPS itatayo ang mungkahing Penal Colony para sa mga drug convict.