Drug matrix kung saan dawit ang ilang opisyal ng PNP, iimbestigahan!

Bukas ang Philippine National Police na imbestigahan ang drugs matrix na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sangkot ang ilang pulis.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, agad nilang ikokompara ang hawak na listahan kapag ibinigay na ni Pangulong Duerte ang kopya ng drug matrix.

Binigyan diin ni Albayalde na wala siyang sasantuhin sakaling may mga mapatunayang pulis na sangkot sa iligal na droga lalo nat seryoso aniya ang PNP sa isinasagawa nilang internal cleansing.


Nitong lunes ay sinabi ni Pangulong Duterte na may hawak siyang drug matrix kung saan may mga opisyal ng PNP ang dawit sa illegal drug trade.

Facebook Comments