DRUG OPS | Drug suspek patay sa magkakasunod na drug operation sa Bacoor, Cavite

Cavite – Patay ang isang drug suspek sa magkakasunod na operasyon ng PNP sa Brgy Talaba 6 at Brgy Habay 2 sa Bacoor Cavite.

Alas-11:00 ng tanghali kanina nang mapatay ang ng isang drug suspek matapos umanong manlaban sa mga pulis.

Kinilala itong si Rey Balandra, habang naaresto naman ang labing dalawang drug suspek.


Nakuha sa nasawing drug suspek ang isang kalibre 45 baril at mga drug paraphernalia.

Walong search warrant ang bibit ng mga tauhan at opisyal ng Bacoor City Police Office at PDEA Cavite nang isagawa ang operasyon.

Facebook Comments