Drug Personality patay matapos manlaban sa Datu Odin Sinsuat Police

Dead on Arrival sa ospital ang isang Drug Personality matapos manlaban sa mga arresting officer sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Nangyari ang shoot out matapos matunugan ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon sa bahagi ng Brgy. Dados, mag aalas 9 kanina. Kinilala ni DOS MPS Chief of Police Major Romel Dela Vega ang nasawing drug suspek na si Aladin Odin Sangcupan, 37 anyos at sinasabing kabilang sa drug watchlist ng kapulisan.
Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang siyam na sachet ng shabu na may timbang na limang gramo at may street value na 30,000 pesos at isang caliber 45 pistol.
Sinasabing dati na ring nakulong ang suspek dahil sa kasong carnapping at inirereklamo rin ito bilang notoryus na akyat bahay ayon pa kay Major Dela Vega.
Nagpapasalamat naman sa tip ng komunidad ang kapulisan resulta ng matagumpay na operasyon. Habang nagbabala rin ang DOS MPS sa lahat na patuloy na nahuhumaling sa illegal na gawain na huminto na dahil hindi sila titigil para tuluyang matuldukan na ang mga naghahasik ng krimen sa kanilang AOR.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments