Isang drug personality ang nasawi matapos pagbabarilin sa provincial road ng Brgy. Don Lorenzo Querubin, Caoayan, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima bilang 38-anyos na residente ng Magsingal, na nagmamaneho ng kanyang motor nang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Caoayan MPS, nagpaputok ang suspek mula sa gilid ng kalsada na tumama sa biktima at sa isang bystander.
Dinala ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang patay, habang nakaligtas naman ang bystander.
Narekober mula sa katawan ng biktima ang ilang plastic sachet na umano’y naglalaman ng shabu, at mula sa crime scene ang 13 bala ng caliber .45 , 1 bala ng 9mm, 2 deformed slug, at 1 fired bullet.
Patuloy ang imbestigasyon ng Caoayan MPS hinggil sa insidente.









