Drug priority target ng QCPD, arestado

Nahuli na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pang-limang drug priority target nito sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod.

Kinilala ang drug suspect na si Mark Joseph Macatangay Alyas “Utak,” 31-anyos na residente ng Pasig City.

Nahuli siya sa operasyon ng mga awtoridad sa kahabaan ng Basa Compound kanto ng C5 Road, Brgy. Bagumbayan, Quezon City.


Nakuha naman sa suspek ang 1.40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P9,520, black coin purse, at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments