Drug pusher arestado sa bayan ng Midsayap North Cotabato

Isang drug pusher ang huli sa bayan ng Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato. Kinilala ang suspect na si George Ibad alyas Intsik, 24 anyos at residente ng Pioneer Street, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa report ng Midsayap Pnp nahuli si Ibad pasado alas onse ng umaga kahapon sa Barangay Poblacion 8 sa bayan ng Midsayap. Nakuha mula sa posesyon ni Ibad ang 2 pakete ng Shabu. Dati ng sumuko sa mga otoridad si Ibad at nangakong magbabagong buhay.
Subalit kinalaunan ay bumalik din ito sa trabahong pagbebenta ng iligal na droga.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments