Drug Pusher, Arestado sa San Mateo, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos na madakip sa pagbebenta ng droga pasado ala una kaninang madaling araw sa Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Si Julius Reyes, 33 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Patul, Santiago City ay nahuli sa drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Branch ng SCPO at San Mateo Police Station katuwang ang PDEA RO2.

Ito’y matapos makabili sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ang bayad na isang libong piso (P1,000.00) na marked money.


Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments