Drug pusher sa Makati, arestado sa buy bust operation

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa Lungsod ng Makati, matapos ikasa ang buy bust operation kahapon.

Nakilala ang suspek na si John Henry Antonio, Antes alyas “Homer” nasa hustong gulang.

Nakuha sa kanya ang 7.5 grams na umano’y shabu at nagkakahalaga ng P51,000 at P500 na perang ginamit bilang buy bust money.


Ang nasabing operasyon ay ginawa ng pinagsanib pwersa ng Makati PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Batay sa ulat ng Makati PNP, nabilhan ang suspek ng ilegal na droga ng pulis na nagsilbing poseur buyer.

Kaya naman agad na isinagawa ang paghuli sa suspek pasado alas-3:25 ng hapon kahapon sa kahabaan ng Caimito Street, Barangay Cembo ng naturang lungsod.

Nakakulong na ang suspek na Makati PNP Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments