Arestado ang isang tulak ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Pagudpud, San Fernando City, La Union.
Kinilala ang suspek na isang 29 anyos na lalaki na Isa rin umanong entertainer.
Nakumpiska sa suspek ang sampung gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa dalawang plastic sachet at nagkakahalaga ng P68, 000.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments