DRUG RAID | Baril, granada at shabu, narekober sa isang drug suspect sa Caloocan

Caloocan City – Narekober ng mga pu­lis ang mga baril, granada at shabu mula sa bahay ng isang nakatakas na drug suspect sa isinagawang raid sa Caloocan City.

Patuloy na hinahanting ng mga otirdad ang suspek na nakilalang si Alfredo Montobig.

Isinagawa ang raid sa bahay ng suspek sa Phase 7b, package 52, lot 19 & 20, Brgy. 176, Bagong Silang sa nasabing lungsod pero natunugan ito ni Alfredo kaya’t nagawa nitong makatakas.


Nakuha sa bahay ng suspek ang isang cal. 38 na baril, iba’t ibang mga bala, rifle grenade, 16 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments