Drug Rehabilitation Center Sa Camp Bagong Diwa – Nakatakdang Itayo Bago Matapos Ang Taon

11

MANILA – Bago matapos ang taon isa na namang drug rehabilitation center ang nakatakdang itayo sa Metro Manila.Ito’y makaraang lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Dept. of Health, Dept. of Interior and Local Government, City Government ng Taguig at Alliance Global Incorporated (AGI) para sa pasilidad na itatayo sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial – ang Alliance Global Incorporated ang magdi-disensyo at magtatayo ng bagong rehab facility habang kanila itong pangangasiwaan.Target na maserbisyuhan sa bagong pasilidad na ito ang mga indigent o mga mahihirap na drug surrenderer sa Metro Manila.Nasa limang daang drug victims ang maaring matulungan ng bagong rehab na inaasahang matatapos sa taong 2018.Sinabi naman ni AGI Executive Director Kevin Tan – hindi natatapos dito ang kanilang suporta sa war on drugs ng pamahalaan.Sa huling datos ng Philippine National Police – umabot na sa 900,000 ang bilang ng mga sumukong pusher at user ng ilegal na droga.Sa kasalukuyan – nasa limang libong drug surrenderers lamang ang tumatanggap ng programang pang-rehabilitasyon sa 15-government owned drug facilities sa bansa.

Facebook Comments