Drug related cases, posibleng tumaas pa dahil sa dagdag na pondo sa Oplan Tokhang – plenary deliberation sa budget, inumpishan na ng Kamara

Manila, Philippines – Umaalma si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa mahigit 4,000 percent na itinaas ng budget para sa Oplan Tokhang sa 2018.

Tumaas ng 4,400% ang Oplan Tokhang budget sa susunod na taon o mula sa 20 million ay umakyat ito sa 900 million pesos.

Ayon kay Zarate, nakakatakot aniya na baka lalo pang dumami ang drug related killings and deaths dahil sa dagdag na budget sa anti-drug operation ng pamahalaan.


Ang kasalukuyang 12,000 na mga napapatay sa war on drugs ay posibleng tumaas pa at nakakapangambang may ilang kaso pa ni Kian delos Santos ang mauulit.

Sinita pa ng kongresista ang sobra-sobrang atensyon sa paglaban kontra iligal na droga dahil napapabayaan na ng gobyerno ang ibang aspeto sa paglaban sa kriminalidad.

Samantala, inumpisahan na sa plenaryo ang deliberasyon para sa 3.7 Trillion na pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sa sponsorship speech ni Appropriations Chairman Karlo Nograles, sinabi nitong ito ang kauna-unahang budget na gawa sa ilalim ng Duterte administration.

Nakatutok ang budget sa mga pangunahing programa na nakatutok sa reporma, pagalis sa inequality, sustainable development ng ekonomiya, pagtaas ng growth potential ng bansa at maayos na pamamahala.

Facebook Comments