Drug Surenderee Patay Matapos Pagbabarilin ng Riding In Tandem

Reina Mercedes, Isabela – Agad na namatay ang isang drugsurrenderee matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan.
Batay sa ulat na nakalap ng CauayanCity RMN News Team, papauwi mula sa trabaho ang biktima na nakilalang si JosePascua y Ramos aka Gilbert, 44 anyos, tubong Naguillan, Isabela perokasalukuyang naninirahan sa Napaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.
Ayon sa ipinalabas na ulat ng Reina Mercedes, Isabela Police Station ang biktima ay papauwi sa kanilangbahay bandang alas singko y medya ng hapon noong Hunyo 5, 2017 nang may biglangsumulpot na motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki at pinagbabaril ng backrider ang biktima na siyang nagdulot ng agaran nitong kamatayan.
Tumalilis ang dalawang di panakikilalang kalalakihan sakay ng di naplakahang motorsiklo sa di pa malamangdireksiyon.
Narekober mula sa crime scene angapat  na kapsula ng kalibre kwarenta ysingko na baril na siyang dinala sa Cauayan City Crime Laboratory para sa gagawing Ballistic Examination.
Kasalaukuyan pa ringiniimbestigahan ng Reina Mercedes Police Station ang motibo ng naturang krimen.
Magugunita na si Jose Pascua y Ramosay dati nang sumuko sa pulisya sa kasagsagan ng kampanya ng gobyerno kontrasa illegal na droga.

Facebook Comments