Drug Surenderee, Pinagbabaril-Patay!

662

*Tuguegarao City-* Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek pasado alas otso kaninag umaga sa kahabaan ng Brgy. Sampaguita, Solana, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Joven Maglapay, 38 taong gulang, isang drug surenderee at residente ng Centro 1, Tuao, Cagayan.


Batay sa inisyal na impormasyon na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Solana, agad na nagtungo sa lugar ang mga kasapi ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon na mayroon umanong naaksidente sa lugar.

Nadatnan ng mga rumespondeng pulis ang nakahandusay na biktima na tadtad ng tama ng bala ng Calibre 45 na baril.

Sakay ng kanyang scooter ang biktima nang siya ay pagbabarilin ng mga suspek na posibleng sinundan ng mga salarin habang patungo ito sa Lungsod ng Tuguegarao.

Kaugnay nito, mayroon nang sinusundang gabay at persons of interest ang mga otoridad hinggil sa pamamaslang matapos lumutang ang isang testigo sa nangyaring insidente.



Facebook Comments