Drug Surrenderee, Huli matapos Masamsaman ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dating drug surrenderee matapos masamsaman ng pake-paketeng hinihinalang shabu sa kanyang bahay sa Purok 6, Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Eric Coloma, nasa tamang edad, self-employed at residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, dakong alas-7:00 kagabi ng isilbi sa suspek ang search warrant na ipinalabas ng korte may kaugnayan umano sa iligal na droga.


Nakumpiska sa kanyang bahay ang limang (5) pakete ng shabu na may market value na P3,400 habang ilan pang drug paraphernalias ang nakita rin gaya ng aluminum foil, lighter, transparent box at face mask.

Nabatid na kabilang ang suspek sa mga drug surrenderees noong September 2016.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments