Drug Surrenderee, Huli sa Buybust Operation!

65

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isang drug surrenderee matapos mahuli sa isinagawang buybust operation ng otoridad malapit sa Governors Hotel sa Bonifacio Street, Brgy Pob. North, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Emmanuel Gomez, Hepe ng PNP Solano, nakilala ang suspek na si John Marko Donelo, 23-anyos, binata at residente ng Gaddang St, Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.


Dakong 4:50 kahapon ng mamataan si Donelo sa naturang lugar na nagbebenta ng illegal drugs kung kaya’t ikinasa ang buybust operation laban sa kanya na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Nasamsam sa pag-iingat nito ang dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaang shabu, marked money na P500, isang unit ng cellphone at Yamaha motorcycle.

Naniwala si P/Maj. Gomez na malaking bagay ang pagkahuli ni Donelo na maaring bababa na kalakalan ng droga sa naturang bayan.

Facebook Comments

From Advertisers