Drug Surrenderee sa Naguilian, Isabela, Timbog sa Buy Bust!

135

Naguilian, Isabela- Arestado ang isang drug surenderee na tulak ng Marijuana sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad pasado alas onse kaninang umaga, Septyembre 4, 2018 sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Voltaire Flores Pasion alyas “Waku”, isang drug surenderee, 27 anyos at residente ng Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip si Pasion matapos matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad kung saan nakuha mula sa suspek ang isang pakete ng marijuana na nakabalot sa diyaryo, isang selophane plastic na naglalaman ng mga tuyong dahoon ng marijuana, isang cellphone at ang limang daang pisong buy bust money.

Hawak na ng PNP Naguilian ang suspek na mahaharap sa kanyang kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments