Drug Surrenderee, Timbog sa ‘Drug Buy-Bust’ Ops ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comrehensive Dangerous Drugs Act of 2001 matapos ikasa ng mga awtoridad ang dru buy-bust operation pasado alas dyes kagabi sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jonel Guiuo, 26 anyos, walang trabaho at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, dinakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang PDEA Region 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.


Napag alaman pa na ang nahuling suspek ay kabilang sa mga drug surrenderee sa kanilang lugar.

Nakumpiska sa pag iingat ng binata ang isang pakete ng hinihinalang shabu at P500.00 na buy-bust money.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments