Drug Suspect arestado sa Tacurong City

Matagumpay na nahuli ng mga otoridad ang kanilang target sa ikinasa nilang buy bust sa Tacurong city.
Nagsanib pwersa ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) Tacurong city PNP at sa PDEA-12 para malambat ang kanilang target sa Purok 6, Barangay Poblacion Tacurong City na si Muslimin Panende Abpet alyas ‘Jeprox’, 28 anyos, may asawa, construction worker at residente ng Purok Islam Barangay Griño Tacurong city.
Nakuha sa suspek ang tatlong (3) maliliit na sachet ng pinaniniwalaang shabu, buy bust money na P500 at ang isang (1) unit ng cellphone nito na ginagamit sa transaction nito sa pagbibinta diumano ng droga.
Pumayag ang suspek na makipag kita sa isang pulis asset na nagpanggap na bibili ng droga kaya nalambat ito ng mga otoridad.
Nahaharap na ngayon si Abpet sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Daisy Mangod)

Facebook Comments