Drug suspect, kusang sumuko sa pulis sa Caloocan

Manila, Philippines – Sumuko ang isang kilabot na drug suspect sa Caloocan PNP.
Ayon kay Ernie Makiling, 43-anyos – isa siyang notoryus na drug user at pusher sa lungsod sa loob ng dalawang dekada.
Sinabi ni Makiling na gusto na nito na magbagong buhay.
Kwento ni Makiling – droga ang naging takbuhan niya para makalimutan ang mga problema
Inamin niya na bago sumuko ay muli munang gumamit ng iligal na droga.

Dahil sa sunud-sunod na patayan sa kanilang lugar, sumadya na siya sa himpilan ng pulisya.
Nangako naman ng Caloocan PNP na tutulungan ang sumukong drug suspect.
DZXL558

Facebook Comments