DRUG SUSPECT | Nakatakas sa buy-bust sa Taguig, tinutugis na

Taguig City – Tinutugis pa rin ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na nakatakas sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City kahapon.

Nasa limang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa nasabing operasyon.

Naaresto naman ang dalawa niyang kasamahan matapos na magbenta ng shabu sa tauhan ng PDEA na nagsilbing poseur-buyer.


Tumanggi nang magsalita ang mga hindi pinangalanang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.

Samantala, kahapon din nang masabat ng PDEA ang nasa kalahating milyong pisong halaga ng shabu, marijuana at cocaine sa isang bahay sa Cogeo, Antipolo City, Rizal.

Arestado sa operasyon ang magkakapatid na sina Junjoe, Junrel at Jansen Chavez at kasamahang sina Malome Amahan at Jess Christoper Marcaida.

Facebook Comments