Drug suspect, patay sa engkwentro sa Maynila

Manila, Philippines – Dead on the arrival sa Jose Abad Santos General hospital ang isang drug suspect matapos manlaban sa Lungsod ng Maynila.

Kinilala ang napatay na si Alex isidro,44, residente ng Poblacion. Makat City.

Nagkasa ng buy bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Sta cruz police station at Special operations unit ng MPD laban sa target na si Isidro sa Tabing ilog malapit sa Ducos St. Quiapo Maynila.


Nang magkakaabutan na ng droga na nagkakahalaga at marked money, nakatunog ang drug suspect na agad bumunot ng baril saka pinaputukan ang mga otoridad dahilan para gumanti ang mga pulis.

Nakuha sa crime scene ang isang cal. 38 na baril at 1 sachet ng shabu.

Facebook Comments