Naaresto ng Dagupan City Police ang isang lalaki matapos mahulihan ng marijuana sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Mangin bandang alas-dos ng madaling-araw kahapon, Pebrero 10, 2026.
Kasama sa joint operation ang Police Station 3, City Intelligence Unit, at City Police Drug Enforcement Unit, sa koordinasyon ng PDEA RO1.
Narekober mula sa suspek ang sampung sachet ng hinihinalang marijuana na tinatayang may bigat na 25 gramo at halagang Php 3,000, pati na rin ang kanyang cellphone, motorsiklo, at marked at boodle money na ginamit sa transaksyon.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa DCPO custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










