Drug suspect – tumalon sa gusali, patay

Navotas City – Patay ang isang drug suspect habang inaaresto ng mga pulis matapos na tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali sa brgy. Sto. Nino sa Navotas City.

Ayon sa Anti-Illegal Drugs Enforcement team ng Navotas police, may nagreport sa kanila na mayroong nag-popot session sa nasabing gusali kaya agad silang nagsagawa ng operasyon at naaktuhan ang tatlong lalaki.

Nagkahabulan hanggang sa tumalon ang 58-anyos na suspek na si Arceo Naval at agad ding namatay.


Samantala, arestado naman ang dalawa pang kasamahan nito.

Facebook Comments