Drug suspek, patay matapos manlaban sa Muntinlupa City

Manila, Philippines – Napatay ang isang Bryan Bautista matapos manlaban sa operatiba ng Muntinlupa City Police Station na nagkasa ng Oplan Galugad sa Brgy. Buli.

Sa ikinasang police operation sa barangay pero , umiwas si Bautista at nang habulin ay pinaputukan kaagad ang mga awtoridad.

Ito ang nagbunsod sa mga alagad na batas para gumanti na ikinasawi ng naturang drug personality.


Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre .38 na baril at ilang drug paraphernalia.

Nabatid na si Bautista ay kasama sa drug watchlist ng Muntinlupa PNP.

Lalo pang pinalakas ngayon Muntinlupa City Police Station ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Pinaigting na rin ang police visibility at pagtugis sa mga hinihinalang tulak at durugista.

Facebook Comments