Drug Suspek patay matapos manlaban sa PDEA BARMM, 3.4 Million Pesos nakumpiska

57

Abot sa PHP3.4 million na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad mula sa drug suspek na nasawi nang manlaban umano sa ikinasagawang drug buy-bust operation sa Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM director Juvenal Azurin ang nasawing suspek na si alyas ”Dhats”, umano’y tulak ng iligal na droga sa lugar.
Kinilala naman ang mga kasama nito na target ngayon ng follow-up operation makaraang makatakas na sina Saber Amiril alias “Sarip” at Alyas Ryan, pawang residente ng Talitay, Maguindanao.
Isang poseur-buyer ang nakipag-transaksyon kay ‘Dhats’ subalit kalaunan ay natugunan ng target na agent ang kanyang ka-transaksyon kaya pinaputukan nito ang mga otoridad.
Gumanti naman ng putok ang mga otoridad kung saan tinamaan ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek na ikinamatay nito.
PDEA BARMM PIC

Facebook Comments

From Advertisers