Drug suspek, patay sa police operation sa Maynila

Manila, Philippines – Nakipagsagupaan kung kayat napatay ang 43-anyos na drug suspek na si Totoy Valencia na target ng isang police operation sa PNR Compound, Batangas St. sa Tondo, Maynila kagabi.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ang suspek sa lugar kayat tinanong ito ng isang operatiba na bibili ng shabu na si PO1 Bernard Isidro ngunit bago pa man magkabutan ay nakaramdam na umano ang suspek na pulis ang kanyang kaharap.

Tinulak umano ni Valencia ang katransaksyong pulis at saka bumunot at nagpaputok ng baril ngunit walang tinamaan kayat gumanti ang operatiba at napatay ang suspek.


Narekober sa crime scene ang isang calibre 38 baril na kargado ng bala at ilang piraso ng hinihinalang shabu.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments