Manila, Philippines – Nagnegatibo sa drug testing ang dalawang piloto ng eroplano ng Xiamen airline na sumadsad sa isang runway ng Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal, hinihintay pa nila ang resulta ng alcohol test ng mga ito.
Aniya, isang Korean national ang piloto ng sumadsad na eroplano at may 16,000 hour ang flighting time habang isang Chinese ang co-pilot nito.
Mababatid na bagaman at naialis na ang sumadsad na eroplano ng Xiamen sa runway ng NAIA ay ilang pasahero pa rin ang nananatiling stranded.
Facebook Comments