Manila, Philippines – Bilang pagpapakita ng mabuting halimbawa at pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, ay pinangunahan ni Senate President Tito Sotto III at Senator Gringo Honasan ang biglaang ramdom drug testing sa mga empleyado ng Senado ngayong araw.
Pagmamalaki pa ni Senator Sotto, 5-panel test ang gagamitin ng senate medical and dental service sa kanilang drug testing na may kakayahang tumukoy sa lahat ng uri ng illegal drugs.
Sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony kanina ay inihayag din ni Senator Sotto ang 5,000 pisong dagdag sa grocery at transportation allowance ng rank and file employees ng Senado.
Binanggit din ni Sotto na bukas ang pondo ng Senado para sa lahat at umapela sa mga tanggapan dito na pagsikapang tugunin ang anumang magiging request ng publiko.
Tiniyak din ni Sotto na kanyang ipaglalaban at poproteksyunan ang independence ng mataas na kapulungan.