Drug-test, hiniling ng Senado na makatwirang ipatupad sa mga pribado at pampublikong sektor

Umapela si Senator Jinggoy Estrada na makatwirang pairalin ang polisiya ng drug testing sa parehong pribado at pampublikong sektor.

Ang hirit ng senador ay kaugnay na rin sa isinusulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Kamara na isailalim sa mandatory drug-test ang lahat ng mga artista.

Para kay Estrada, na isa ring dating artista, hindi aniya dapat maging limitado lang sa mga celebrities ang drug test bilang pre-requisite sa employment o trabaho.


Pinatitiyak din ng senador na hindi ito magiging discriminatory sa hanay ng mga artista.

Dapat aniya ay sumasaklaw ito sa lahat ng trabaho at hindi makakasira sa iilang sektor sa ating lipunan lalo na kung ang tunay na nais talaga ay masiguro ang drug-free sa ating mga workplaces.

Facebook Comments