DRUG TEST | Isyu ni Kiefer Ravena – sasagutin ng SBP

Manila, Philippines – Sasagutin ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang isyu tungkol sa biglaang pag-alis kay Kiefer Ravena sa PBA All Star week sa Iloilo City noong Linggo.

Kasunod ito ng isyung hindi umano pumasa sa drug test ng FIBA World Cup Asian Qualifiers si Ravena.

Una itong lumabas sa spin.ph na mabilis kumalat hanggang noong gabi ng PBA All star week kung saan agad na pinauwi si Ravena sa Maynila.


Mamayang alas 6:00 ng gabi, magsasagawa ng press conference sa Mandaluyong ang SBP para magbigay linaw sa isyu.

Facebook Comments