Manila, Philippines – Hinamon ni Philippine National Police Chief Police Dir. Gen. Oscar albayalde ang mga barangay at Sanggunian Kabataan candidates na sumailalim sa drug test challenge.
Sa isinagawang real numbers forum sa PNP headquarters sa Camp Crame – Sinabi ni Albayalde na ito ang pinaka-madaling paraan para patunayan na walang sangkot na kandidato sa iligal na droga.
Ginawa ng Pnp Chief ang pahayag sa harap ng paglalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency ng listahan ng mga barangay officials na umano ay sangkot sa iligal na droga.
Hinikayat din ni Albayalde ang mga nasa narco list na welcome na boluntaryong sumuko sa kanila ang mga ito para linisin ang kanilang pangalan.
Una nang isinusulong ng DILG sa Commission on Elections ang mandatory drug testing sa mga tumatakbong kandidato.