DRUG TEST | Mga personnel ng Drug Enforcement Unit ng PRO-7, isinailalim sa surprise drug test

Cebu – Pinangunahan mismo ni Police Regional Office-7 Director Chief Supt. Robert Quenery ang surprise drug test para sa mga personnel ng rug enforcement unit ng Police Regional Office-7.

Mahigit 40 mga personnel ng drug enforcement unit sa PRO-7, ipinatawag ni Quenery para sa isang meeting, ngunit hindi alam ng mga pulis na isasailalim sila sa drug test.

Matapos ang meeting, isinagawa ang surprise drug tests sa nasabing mga personnel.


Kabilang sa nagpa drug test ang OIC ng Regional Intelligence Division Supt. Josefino Ligan .

Ayon kay Ligan na ang surprise drug test ay parte ng cleansing program ng Camp Crame sa nagpapatuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments