DRUG TEST SA MGA OPISYAL NG BJMP AT BILANGGO,ISINAGAWA SA DAGUPAN CITY

Nagsagawa ng drug test ang DOH-CHD1 sa mga kawani at bilanggo ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Dagupan City.
Nasa 53 kawani ng BJMP Dagupan ang isinailalim sa drug test sa pamumuno ni Jail Superintendent Roque Constantino Sison III.
Maging ang mga inmates ay isinailalim din sa drug test.

Ang lahat ng mga ito ay nagnegatibo sa drug test na ikinatuwa ng mismong warden.
Samantala, bago pa man ang drug test nauna nang nagsagawa ng paghahalughog ang PDEA sa sa naturang pasilidad at wala namang nakuhang illegal na droga, paraphernalias at iba pang kontrabando. | ifmnews
Facebook Comments