Drug testing ng mga construction worker na nakabase sa Fort Bonifacio, inobliga ng Philippine Army

Isinailalim ng Philippine Army sa random drug testing ang mga trabahador sa construction site sa Fort Bonifacio, Taguig.

Ito’y matapos na maaresto sa buy-bust operation noong Oktubre 10 ang 13 construction workers sa isang construction project sa Philippine Army headquarters.

Sinimulan na rin ng Philippine Army ang pag-background check sa lahat ng tao na may regular na transaksyon sa loob ng kanilang mga kampo sa buong bansa.


Kasunod nito, nangako ang ilang construction company na hihigpitan nila ang screening at hiring ng mga manggagawa kasunod ng pagkaaresto ng 13 construction workers.

Una nang inihayag ng pamunuan ng Philippine Army na hindi nila kukunsintihin ang anumang iligal na aktibidad sa loob ng kanilang mga kampo na tinaguriang mga designated drug-free zone.

Facebook Comments