Drug testing ng PDEA  sa public transport drivers sa buong bansa sa ilalim ng Oplan Harabas, 55 ang nagpositibo

Abot sa 55 tsuper ng pampublikong  transportasyon ang nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs sa kabuuang 4,470 drivers na sumailalim sa drug test ng  Philippine  Drug Enforcement Agency sa ilalim ng  Oplan Harabas program.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino ang  drug tests ay isinagawa sa 54 na major public transportation terminals sa buong bansa.

Ang limamput apat na tsuper na binubuo ng 24 jeepney drivers, 13 tricycle drivers, 11 taxi cab drivers,  5 UV express van drivers, at 1 bus driver ay naging positibo sa paggamit ng shabu, habang  ang isa ay tricycle driver na nagpositibo naman sa paggamit ng marijuana.


Ang Oplan Harabas ay isang  simultaneous surprise mandatory drug testing sa lahat ng tsuper sa  mga public terminals nationwide na layong tiyakin ang  kaligtasan ng mga pasahero  sa pagbiyahe at isulong ang  isang drug-free public transport system sa buong bansa.

Base sa datus ng  PDEA, mula  January 2018 hanggang January 2019, 3,654 na tsuper , mga konduktor ng bus at dispatchers ang naaresto dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Sa ikalawang  semester ng  2018, abot sa 1,902  ang naaresto at may pagtaas ng  37% mula sa  1,386 na naaresto sa unang semester.

Facebook Comments