Quezon City – Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng drug testing sa mga barangay sa Quezon City.
Ngunit nilinaw ni QCPD Chief Guillermo Eleazar na tanging mga opisyal ng barangay ang maaaring magsagawa ng drug tests at pahihintulutan lamang itong gawin sa barangay hall.
Ayon kay Eleazar, may ilang residente sa Barangay Payatas na humiling na sa mismong tahanan nila magsagawa ng drug test, bagay na kanyang tinutulan.
Una rito, ilang grupo ang nagpahayag ng pagkabahala sa naturang hakbang dahil maaari umanong malagay sa alanganin ang mga magpopositibo sa house-to-house drug testing.
Giit ni Eleazar, ang mandato ng pulisya ay magbigay seguridad at panatilihin ang kanilang presensya sa kanya-kanyang areas of responsibility.
Facebook Comments