Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng kampo ni Senadora Leila De Lima na muling umapela matapos ibasura ng Korte Suprema ang una na nilang inihaing Motion for Reconsideration (MR) hinggil sa kaso nitong drug trade sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Atty. Florin Hilbay, isa sa mga abogado ni De Lima, pinalitan ng Department of Justice (DOJ) ang kaso mula sa conspiracy to trade in drugs mula sa drug trading bago pa man magdesisyon ang Korte Suprema.
Aniya, dahil sa ginawa ng DOJ nalabag ang karapatan ni De Lima sa due process.
Giit pa ni Hilbay, malinaw na patuloy na gumagawa ng mga bagong kaso ang pamahalaan laban sa senadora para mapanatili ito sa kulungan.
Facebook Comments