DRUG TRADE | Peter Lim, bigong maaresto ng pulisya

Bigo ang mga tauhan ng Cebu City Police Office na maihain ang arrest warrant laban sa umano ay drug lord na si Peter Lim.

Isisilbi sana ng mga pulis ang arrest warrant laban kay Lim pero wala ito sa kaniyang dalawang bahay sa Barangay Banilad at sa Barangay Mabolo.

Ayon sa mga caretaker ni Lim, matagal ng hindi umuuwi ang kanilang amo at hindi nila alam kung nasaan ito.


Sabi naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nagtalaga na sila ng tracker team para matunton si Lim.

Una nang naglabas ng warrant of arrest si Makati Regional Trial Court Branch 65 Judge Gina Bibat-Palamos laban kay Lim matapos makitaan na may probable cause para litisin ito kasama ang drug trader na si Kerwin Espinosa.

Nahaharap si Lim sa two counts ng paglabag ng drug trade conspiracy provision ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinakda ng korte ang arraignment ni Lim sa August 28.

Facebook Comments