Manila, Philippines – Naghain ng not guilty plea ang self-confessed drug lord Kerwin Espinosa kaugnay sa kasong drug trade conspiracy sa Makati City Regional Trial Court Branch 65.
Maliban kay Espinosa, naghain rin ng not guilty plea ang dati niyang associate na si Marcelo Adorco, na nasa ilalim ng kustodiya ng Philippine National Police (PNP).
Hindi naman sumipot sa pagbasa ng sakdal ang dalawa pa nitong kapwa akusado na sina Cebu-based businessman Peter Lim at Ruel Malindangan.
Una nang ipinag-utos ni Makati City RTC Branch 65 presiding judge Gina Bibat-Palamos ang pagpapaaresto sa apat na mga suspek matapos maghain ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga defendants ng two counts ng non-bailable offense ng conspiracy to commit illegal drug trade.
Kaugnay nito, itinakda naman ng korte ang pre-trial sa September 14.